Diving is a Leap of Faith plus Gravity

Fortune Island | June 6, 2015

It is my second time to visit a very attractive and a-taste-of-Greece-like place. My first was just few weeks ago with my college friends and the second – with my office mates.

I’m really fond of traveling, trekking, going to beaches and seeking adventures (well, this explains my WordPress account name “DorangSirena”). To give you more idea, Dora is a cartoon character who loves adventure and explores different places, while the Sirena term (tagalog for mermaid; which we believe is living under the sea) explains how I love swimming and the sea. I know you’re still wondering why I have to do my second time around in this place aside from its attractions. Kahit naman kasi mahilig akong maglakwatsya, hindi naman lagi may budget ako (simpleng mamamayan lang din po ako) praktikal lang na kapag napuntahan ko na ang isang lugar, mas gusto ko na matagal ko na ulit ito babalikan or hindi na pupuntahan pa (depende sa experience) para masubukan ko naman ‘yung ibang lugar. Saka, may sponsor din nga pala ko kaya ako nakabalik dito! :))Thank you ulit Mer (one of my close friends sa office) kung nababasa mo man itong pinagsususulat ko hehe! 🙂 

(Photos with College friends)

(Photos with office mates)

Hayssst, sadyang napakaganda naman talaga kasi ng lugar na ‘to, yung tipong babalik-balikan mo kahit alam mong walang tubig inumin at pangbanlaw, walang cr, walang tindahan, walang life guard at walang nagme-maintain ng kalinisan sa ibang parte ng isla. 

‘Yung iba siguro nadi-discourage kaagad kapag nalalaman nila ang mga negative sides ng isang lugar, pero para sa akin..yun ang adventure part niya! Mamuhay kahit saglit lang sa buhay mo sa isang lugar na kulang sa mga pangangailangan mo at malayo sa mga nakasanayan at expectations mo. Minsan din kasi masyado tayong napo-focus sa mga negatibong parte ng isang bagay kaya hindi na natin nakikita yung magagandang side – na kapag  pinagtuunan lang natin ng pansin, mas maaappreciate natin yung worth nito dahil tayo mismo ang nakakita ng tunay na ganda nito sa kabila ng mga bagay na nagdudulot dito para maging malayo sa mga mata natin at iwasan o layuan ito.

Kindly take a look at the photo below, how can you resist not to swim in that very clear water? Ako hindi ko talaga napigilan eh! Iba din kasi siguro kapag laki ka sa dagat! Makakita ka lang ng tubig nahihikayat ka kaagad na languyin! Isa rin ito sa mga nagustuhan ko dito, yung napakalinaw at malinis na tubig. 

“How I wish this island would be renovated (talking about facilities) and be maintained in the future so more people would be encouraged to visit this awesome place.”

But the real highlight of this comeback is my aim of doing an item from my bucket list which is extreme Cliff Diving.  I have actually tried this on my first visit but that wasn’t the diving experience I wanted to achieve.


Pauwi na kami ‘nun ng mga kasama ko nang ma-discover namin na may isa pa palang  “mataas na diving spot” sa bandang dulo ng isla na times four siguro ang taas kaysa sa isa (which is approx. 10 – 15 ft. lang ata). That time, I promised to myselfI will go back to this place to fulfill my diving dream!” And tadan!!! After two weeks, God answered my prayer! Binigyan niya kaagad ako ng pagkakataon na makapuntang muli sa lugar na ito upang maisakatuparan ko ang isa sa mga gusto kong gawin sa buhay habang bata pa ako! :)

I just can’t explain the feeling right after I jumped off the high cliff! Indeed a fulfillment!

Please click on the links below for my diving videos.

Hindi rin ako marunong lumangoy dati at katulad siguro ng iba sa inyo, may malaking takot din ako sa matataas na lugar. I was inspired to conquer my fears by my siblings. Nung mga bata pa kasi kami, sa lahat ng magkakapatid ako lang that time yung hindi marunong lumangoy at di marunong magpalutang sa dagat ng matagal. Habang sila nasa laot ako naman nasa shore lang. Iyon ang nagtulak sakin na gawin ang bagay na kinakatakutan ko. Naisip ko rin noon kung nakaya nila dapat kayanin ko rin! 

 

So nag-try ako lumangoy-langoy mag-isa, humahawak pa nga ako sa mga katig ng bangka at dun ko naman sinanay  ang sarili magpalutang-lutang. Hindi ko na matandaan kung kelan ako eksaktong natuto pero ang natatandaan ko lang, nagtiwala ako sa sarili ko, sinikap ko ng husto at minahal ko ang ginagawa ko hanggang sa natutunan ko na ito. 

Maging ang takot ko sa mga heights, na-conquer ko naman nung nanirahan kami sa probinsya kung saan yung bahay namin ay malapit sa hanging bridge na gawa sa kahoy ang tapakan. Kapag tumatawid kami sa tulay para makarating sa kabilang ilog, inaasar pa ako ng mga kapatid ko..tumatakbo pa sila at inuuga ang tulay. Ngunit gaya rin ng nauna, lahat ng takot ko ay nawala nung nasubukan kong gawin ang kinakatakutan ko. Tumakbo ako, inuga pa ng husto ang tulay, at sa huli nagawa kong makatawid na di iniisip ang takot sa dibdib. Simula noon, natutunan ko na ring labanan ang takot ko sa matataas na lugar. Nakayanan ko nang sumakay sa mga makalaglag-pusong rides sa Star City at EK at nagagawa ko narin ngayong umakyat sa mga matatas na bundok.

“Magtiwala ka lang sa sarili mo na kaya mo! God is always with you.” 

Just like trying out the diving experience, which is a leap of faith plus gravity. Gravity to float you up on the water which can also be achieved if you’ll learn the basic floating/swimming with a leap of Faith that you can do it no matter what. Believe in yourself! Go beyond your limit!

You may also watch my other videos at the Fortune Island.

Thank you for reading my first blog! Please bear with me 🙂

Sana na-inspire ko kayo sa munti kong naisulat!

– Dorang Sirena

———————————————–

Special thanks to The Wasted Wanderer for proofreading this post. Check him out at www.wastedwanderer.com

Advertisements

2 thoughts on “Diving is a Leap of Faith plus Gravity

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s